Perseverance in times of difficulty
Matagal tagal na bago pa ako nakapagsulat ng blog na ito.. at madami dami na ding nangyari sa mga nakaraang araw; maraming challenges (typical) pero nasososlusyunan naman. Pero ito yung taon na talagang totoong sinubok ako ng panahon... Ito yung taon na gusto ko nang sumuko sa buhay ko, gusto ko nang tumigil ng pag aaral dahil ayoko na. Kasi ang hirap, pakiramdam ko araw araw akong pinapatay. At malakas ang paninindigan ko na magquit na sa buhay ko. Pero tuwing naiisip ko yung mga panahon na, graduating na ako; nakasuot na ako ng black na toga, naka-ayos dahil pictorial na ng graduation, hindi ba't ang sarap sa pakiramdam? Pero bakit naman ganto Lord. Bakit naman kailangan, mangyari pa sa akin ito ngayon. Eto yung taon ng downfall ng buhay ko... wala akong malapitan, masandalan at mahingan ng tulong para ilabas yung bigat ng dibdib ko... Dahil halos lahat sila may kanya kanyang buhay na. Dito ko narealize ang totoong hamon ng buhay; yung hamon pala sa akin noon habang nasa ...