Perseverance in times of difficulty
Matagal tagal na bago pa ako nakapagsulat ng blog na ito..
at madami dami na ding nangyari sa mga nakaraang araw; maraming challenges (typical) pero nasososlusyunan naman.
Pero ito yung taon na talagang totoong sinubok ako ng panahon... Ito yung taon na gusto ko nang sumuko sa buhay ko, gusto ko nang tumigil ng pag aaral dahil ayoko na. Kasi ang hirap, pakiramdam ko araw araw akong pinapatay. At malakas ang paninindigan ko na magquit na sa buhay ko.
Pero tuwing naiisip ko yung mga panahon na, graduating na ako; nakasuot na ako ng black na toga, naka-ayos dahil pictorial na ng graduation, hindi ba't ang sarap sa pakiramdam? Pero bakit naman ganto Lord. Bakit naman kailangan, mangyari pa sa akin ito ngayon.
Eto yung taon ng downfall ng buhay ko... wala akong malapitan, masandalan at mahingan ng tulong para ilabas yung bigat ng dibdib ko... Dahil halos lahat sila may kanya kanyang buhay na. Dito ko narealize ang totoong hamon ng buhay; yung hamon pala sa akin noon habang nasa kolehiyo pa ako ay hindi pa totoong hamon ng buhay.
At narealize ko din na mahirap palang tumayo sa sariling mga paa, mahirap mag banat ng buto, mahirap magpatuloy ng buhay kapag yung sarili mo umiiyak sa loob ng puso mo at may dinadala kang mabigat na pakiramdam.
Dito ko nakita na mahina pala talaga ako kapag hindi ko kasama yung mga kaibigan ko, mabilis ako madiscourgae, mabilis ako sumuko, mabilis masira ang confidence ko once na inapakan ito ng isang tao. Ang dami dami ko palang kailangan ayusin sa sarili ko. Pero ang hirap hayop, halos nakakailang mura ako sa isang araw hahahhaha (sorry)
I ask God to fix me, and he gave me this and all I did is to react. Mahirap pala ayusin ang sarili lalo na kapag sinabayan ng hamon ng buhay hahahhaa.
Perseverance is not easy. Hamon ng buhay will never be easy, but we need to endure these challenges to fix ourselves.
xx
Comments
Post a Comment
Have a good day!