Where are you when I needed you the most

 

        Ang sama pala sa pakiramdam kapag nawala yung taong nasasandalan mo... hindi mo alam kung papaano ka babangon sa bawat umagang bubungad sayo'
Hindi mo alam kung may lakas ka pa ba na sabihin sa sarili mo na "Kaya mo yan."

        Lalo na kung mag isa ka lang sa bahay mo. Ang hirap pala kapag nawala yung taong tinatakbuhan mo kapag may problema ka, hindi mo maintindihan yung pakiramdam na gusto mo nalang mawala sa mundo.
    Gusto mo maging okay pero hindi mo kaya kasi wala kang matakbuhan na tao na pwede mong mapaglabasan.

Minsan iniisip ko... kakayanin ko kaya itong process na to? Kakayanin ko kaya itong challenges na ibinibigay sa akin ni Lord? Makikita ko pa rin kaya na masaya yung sarili ko?
Makikita ko kaya yung dulo kung san matututo din akong dumepende sa sarili ko, yung matututunan ko kung papaano humugot ng lakas sa sarili at at i-guide ang sarili ko.

        "Lord, ang hirap hirap naman nitong pinagdadaanan ko"  isa ka rin ba sa mga taong natanong na ang bagay na yan?
Minsan mapaptanong nalang tayo kasi pakiramdam natin hindi natin kaya. Pero alam mo sa sarili mo, nag-aalab pa rin yung pag-asa na magiging okay ka.

 

It's been so long since I come to a situation like this. Matagal tagal na rin o siguro nasanay lang ako na palagi ko siyang kausap, palaging siya yung tinatakbuhan ko at siya lang yung madalas na hinihingan ko ng tulong kapag hindi ako okay. Madalas siya rin yung hinihingan ko ng guide kung ano ba dapat ang gagawin ko...

        Pero kakaiba talaga si Lord magbigay ng problema, hindi ko aakalain na ganito kahirap yung ibibigay niyang pagsubok sa amin at sa akin. Napaka-hirap to the point na papasok yung doubt, insecurities, sadness & anxiety mo... mapapaiyak ka nalang tuwing gabi o minsan walang pinipiling araw, madalas tulala ak sa kwarto iniisip kung may masama bang nangyayari sa inyo, kung may problema ba siya sayo kung bakit hindi na siya makausap ng maayos.
"Busy" is one of the obstacles na kailangan kong harapin at the age of 20. Ang hirap dahil, kahit magulang mo hindi mo alam kung papaano ia-approach dahil kadalasan napapagsabihan ka lang na "Ang bata bata mo pa, landi na agad ang nasa utak mo". Kaya you always have that fear na baka kapag humingi ka ng tulong, lalo ka lang mabu-burden sa pinagda-daanan mo, lalo lang lalala yung mental health mo dahil isa ako sa mga tao na napaka-sensitive kapag nasaktan through words.

And now, since I cannot message you, I'll just write it here:

 

     Hey, pasensya na kung ganito ako ngayon ah... Hindi ko ba alam kung bakit ang hirap hirap i-handle ng sarili ko. Pati ako nahihiya na mag-approach sayo dahil ni sarili ko hindi ko maayos, alam ko sobra sobra na yung pasensya na binibigay mo saken and I'm thankful for that... 

Hindi ko alam kung bakit ang hirap hirap mag-stay positive lalo na kung yung mga taong kasama mo sa bahay ay binibigyan ka ng negative energy. Ikaw kasi yung kinukuhaan ko ng lakas kapag hindi ko na kaya yung pinagdadaanan ko, ikaw din yung pinagkakatiwalaan ko sa mga problemang pinagdadaanan ko at ikaw din yung kadalasan na tinatakbuhan ko kapag kailangan ko mag-share ng problema ko... pero hindi ko naman aakalain bakit mo ba ako binigla sa pagbabago ng sitwasyon naten. Parang kahapon okay lang tayo ah pero ngayon bakit biglang nawala nalang lahat... wala man lang pasabi na gantong klase ka pala magiging busy...
Sana sinabi mo saken na kahit tapos na yung mga agendas mo ganito na pala yung magiging new normal natin... hindi ko alam kung kailangan ko ba matakot dahil ayaw mo na sa akin o dahil there is something wrong.

Sana ipinaliwanag mo yung nangyayari sa sitwasyon mo para alam ko kung papaano ko iha-handle yung sarili ko... alam mo naman na mahina pa rin yung mental health ko, at para maintindihan kita. Hindi yung kailangan pa natin mag-away at iwan yung isa't isa sa uncertainty kung okay ba tayo o hindi.
Sana sinabi mo sa akin na malaki yung maaaring magbago sa takbo ng relationship natin. Pasensya na kung slow ako ah, alam ko naman na busy ka na tao pero sana wag mo na ako biglain kung may pagbabago muli na mangyayari sa atin. 

        Yung mga times na kailangan kita kapag hindi ko na kaya ngumiti sa isang araw, yung mga times na hinahanap hanap kita para ma-guide ko yung sarili ko kung nago-overthink na ba ako o dinadagdagan ko lang yung pwedeng mag-trigger sa mental health ko. Yung mga times na gusto kitang imessage, tawagan, ichat na available ka ba?
Pwede ba kitang tawagan kasi kailangan ko lang umiyak saglit.... pero knowing na may mga priority ka alam ko tama yung ginawa ko na hindi ka na lamang istorbohin. Kahit mahirap, ginawa ko, kahit hindi ko na kaya iniyak ko nalang...
        Kailangan kita pero kailangan ko din intindihin yung sitwasyon mo. Isang statement na kailangan ko tanggapin at lunukin kahit mahirap at masakit sa side ko. Nasanay ako sayo, nasanay ako sa dating takbo ng relationship naten kaya nahihirapan ako mag-adjust alam ko sobrang haba na ng nilaan na panahon para mag-adjust ako pero kung alam mo lang, willing naman ako na mag-stay kahit nahihirapan na ako.
Gusto ko lang sana mag-sorry kung mahina ako at hindi ko maayos ang sarili ko, yung mga times na napapa-feel ko sayo na hindi sapat ang mga efforts na binibigay mo saken, yung mga times na nagtatanong lang ako tapos mauuwi sa away, yung mga times na hindi kita naa-appreciate, yung mga times na sumusuko na ako pero ikaw nandiyan ka lang sa tabi ko. Pasensya dahil alam ko sa sarili ko na mahina ako,

Paulit-ulit na yung paghingi ko ng sorry kaya sinubukan ko muna lumayo at ayusin yung sarili ko.

        Alam ko naman na you're willing to make this relationship work kaya isa yun sa bagay na thankful ako.
Thankful ako dahil may partner ako na katulad mo na hindi sinasabayan yung init ng ulo ko, sobrang calm kapag nagagalit and hindi mo ako sinaktan physically lalo na kapag hindi tayo okay at may problema tayo.
Thankful ako na may partner ako na handa mag-stay hindi lang sa mga panahon na okay kung sa panahon kung kelan sinusubok yung relationship naten.

I will make myself better. I will fix myself.

 

~Chubs

Comments

Popular posts from this blog

"Humble - Patience - Understanding"

10 K-dramas that changed my life 😆

Relationships shouldn’t be rush