I Forgot to be Grateful


Many says, malapit na mag-ber months and still quarantine & this pandemic is still occuring.

     "Nakakapanghinayang yung mga nasayang na buwan"


Let's face the reality, yes. Ang daming nasayang, madaming naudlot at na-cancel na plans. Ang daming nasirang plano o natigil, ang daming naluluging company, ang daming nawalan ng trabaho, bahay at buhay, ang daming nagsa-suffer, ang daming nagkakasakit, ang daming nade-depress....

      We, people tend to look at the negative side & stay in it.Pero hindi natin nakikita yung mga thoughts na ina-allow natin mag dwell sa isip natin.

We allow them to dwell in our minds hanggang makain tayo ng negativity. 


          Pero sa totoo lang, for me; mas nagsisi ako dun sa mga araw na wala pang pandemic and all I did was to complain.
Mag-complain na "pagod na ako, paulit-ulit nalang, gusto ko ng break, gusto ko na mag-bakasyon, nakakaumay na ang mga lessons, nakakapagod mag-aral, nakakapagod gumising ng maagap, nakakasawa na ang buhay, anong kakainin ko mamaya (jk. lang)"

Can't you see? Ito yung mga araw na hinihiling natin ngayon kung nasan nasa gitna tayo ng pandemya. 

     Do you realize what are the most prayers? "Sana po bumalik na sa dati ang lahat" . "Sana po, matapos na itong pandemic"
Ikaw, nagsisisi ka na ba? Inamin mo na ba kay God lahat ng kasalanan mo?
  Dumating ka na ba sa point na humihingi ka ng tawad kay Lord dahil nakalimutan mong maging grateful sa mga times na dapat mas pinairal natin ang pasasalamat kesa sa mga selfish complains natin?

Dumating ka na ba sa point na umiiyak ka sa prayers mo dahil hindi mo alam kung kelan babalik sa dati ang lahat, kelan matatapos ang pandemic, kung may bakuna o lunas pa ba para matapos ang pagkalat ng virus?
      Madami tayong gustong gawin pero hindi pa pwede, gusto na rin namin pumasok sa school dahil hindi namin kaya ng online class, ang hirap mag-aral pag walang face to face lalo na sa mga allied health courses na kailangan ng interactions with their patients.
Puno ka na ba ng worries? Stress na stress na? Pagod na?
    Can you try to see kung san tayo nakatingin? Hindi ba sa negativity?
Lahat ng sinabi ko is all about worries & anxieties. Ang hina ng faith, hindi masyado naka-kapit kay Lord. Masyadong ine-entertain ang negative thoughts & lies.
      One thing I learned in my devotion reading, that lies never come from God, it was made by the evil.


Now, let's go back to this statement: "Nakakapanghinayang yung mga nasayang na buwan"

     Actually hindi siya sayang. Sinayang natin. At sinasayang lang natin.
Ang dami mong pwedeng gawin sa isang araw, pero hinayaan mong kainin ka ng negativity na
     bumabalot sa atin.
Ang daming pwedeng gawin sa ilang buwan, pero hinayaan lang natin na kainin tayo ng katamaran at
     pag-aasam na "babalik din naman sa dati ang lahat"
Ang haba haba ng panahon para sa pagkakataon na magbago tayo pero hindi natin ginagawa dahil
     mahirap.

At hinahayaan lang natin na nakatingin tayo sa negativity kesa piliin ang tumingin sa positivity.

    Bakit ba mahirap?

Dahil yun ang tama, and the right decisions are the hardest to make.

---

Minsan tulala ka at nagi-imagine ng mga bagay na ginagawa natin dati.
    Iniisip na noon pag ganitong oras, haggardo veroza sa pagpasok dahil late na & such.
At makakaramdam ka ng "sana maging okay na lord, please" but still, we're still in this pandemic & trying to figure out the vaccine that would stop the virus.

      Wag nating sayangin ang natititrang panahon dahil sa pandemic na hindi matapos tapos, let's make it a day. Have fun kahit nasa bahay ka lang, do things that will help your growth as a person, change for the better, learn how to repent, aminin mo lahat kay God, at i-surrender ang mga bagay na hindi natin ma-let go.    

Maybe God is changing our perspective & life kung bakit binigyan niya ang mundo ng malaking pagsubok. And most importantly, maging grateful palagi dahil yan ang kailangan natin matutunan at siguro ang gusto ni Lord na matutunan natin sa pandemic na ito.

xxx

    Stay safe guys! And always remember that prayers is all the answer in what is happening around us.

And if you forget what the purpose of this pandemic may u always read & remember this quote:
    "Know that whatever is going on in our life has already been planned out, God has you covered."

Let go & Let God. Trust in Him more.
    

Comments

Popular posts from this blog

"Humble - Patience - Understanding"

10 K-dramas that changed my life 😆

Relationships shouldn’t be rush